LP: Kinagisnan

Simula pagkabata ay lapis na ang pinapagamit sa amin ng aming guro hanggang sa matuntong namin ang ika-3 grado. Subalit hanggang ngayon ay lapis pa rin ang nais kong gamitin kasi mas madaling ituwid pag nagkamali.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy.

Pencil was the only writing tool allowed in our school during my elementary years until I reached the third grade. However, I still use pencil because I find it easier to rectify any written mistakes.

This is my entry for Litratong Pinoy.

LP: Maalaala Mo Kaya

Ito ang isa sa mga alaala ng aming unang taong pagsasama bilang mag-asawa. Natatandaan ko na kahit na mahaba ay tinyaga naming dalhin si kaibigang tripod upang mayroong kumuha ng litrato naming dalawa.

Sa mga nagtatanong, hindi po sapat ang aming yaman upang pumunta ng Europa kaya sa Windows of the World na lang kami nagpunta. Hindi halata no?

Ito po ang aking lahok sa Litratong Pinoy.

LP : Liwanag

ito ang aking humahabol na lahok sa Litratong Pinoy:

Ang aking anak ay parang liwanag sa aming buhay. Nawawala ang aming pagod at pagaagam-agam sa mga hagikhik at ngiti ng aking anak :)

LP : Bago

Ito sana ang lahok ko sa LP noong nakalipas na dalawang huwebes. Subalit wala pa ito sa aking mga kamay noong panahong iyon.

Gaya ng mungkahi ni Mel, ngayong Huwebes ko ilalahok ang larawan sa ibaba. Sariwang-sariwa pa….

Makilahok sa Litratong Pinoy.

LP : Ang Aking Kompyuter

Ito ay hindi akin. Ginagamit ko lamang ito sa aking trabaho. Ibabalik ko ito sa kumpanya kung ako ay lumisan na, merong bagong ibibigay o kukunin na nila. Ito ay dual OS. Kadalasan ay Windows ang aking ginagamit.

This is not mine. It is company-issued which I use for work and must return the same when I resign, a new laptop would be given to me, or it would be confiscated. This computer runs on a dual OS, but I usually use Windows since all my work are usually based on its program.

Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy.

This is my entry for Litratong Pinoy.

LP : Itim at Puti

Ito ang aking lahok para sa Litratong Pinoy:

This is my entry for this week’s Litratong Pinoy:

LP : Ginintuan

Ibat iba ang konsepto ng ginto.

Ang inahing nangingitlog ng ginto ay isa sa mga popular na kwento nung ako ay bata pa. Ngayon, ginagamit ang terminong ito sa mga bagay-bagay na nakapagpapayaman sa tao tulad ng negosyo.

There are many notions of gold.

This is a hen who lays golden eggs. It was a popular story during my younger years. However, we usually refer such hens to things which could prosper one like business.

Ang mga gusaling ito ay maituturing na ginto sapagkat ito ay nagbibigay-yaman sa ekonomiya ng kanilang bansa.

These buildings may be considered as gold to one’s country because it usually uplifts its economy.

May kasabihan din na ang oras ay ginto. Tinutukoy nito marahil ang tamang paggamit ng ating oras.

There is also a saying that time is gold. It probably refers to the proper utilization of our time.

Sa mga inang mayroong sanggol, ang silid na ito ay ginto sa kanila sapagkat hindi na sila mahihirapan sa pagpapalit ng lampin ng kanilang anak.

And to mothers who have infants, this diaper-changing room is a treasure to alleviate their discomfort.

Subalit wala nang hihigit pa sa mga ginto ng aking buhay:

But nothing would beat the gold in my life:

At ito ang aking mga lahok sa Litratong Pinoy.

And these are my entries to Litratong Pinoy.

LP : Pilak


Ito ang aking pinakatatanging pilak. Regalo ito sa akin ng aking kabiyak noong nakaraang kaarawan ko. Sana ay sa paglipas ng panahon, mananatili itong matibay upang aking maipapamana sa aking anak. Ito ang aking Pilak sa Litratong Pinoy.

This is my cherished silver. It was given as a birthday gift by my husband. I hope that its value would remain unchage so I can leave it to my descendant. This is my Silver for Litratong Pinoy.

LP : Reddish Material



Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy. Mala-kalawang man ang kanyang itsura, mainam pa rin siyang gamitin :)

LP : Ayaw Ko!


Ang aking anak ay nagkaroon ng galos kahapon nang siya ay madapa habang tumatakbo. Ayoko sanang maranasan nya ang mga ganitong pangyayari sa buhay, subalit tanggap ko na kailangan ito upang lalong mapabuti ang kanyang ugali at karakter. Ipapaubaya ko na lamang sa Diyos ang lahat. Ito po ang aking lahok sa Litratong Pinoy.

My son suffered a bruise yesterday when he tripped while running. I really do not want him to experience sufferings and pain, but i know that he must have those to build his character and attitude. I will just have to trust that the Lord will always guide him. This is my entry to this week’s Litratong Pinoy.